Ipinapaabot ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP) ang pinakamataas na pagpupugay sa mga martir na sina EMERITO SAMARCA, DIONEL CAMPOS AT DATU JUVELLO SINZO na pinatay ng armadong pwersa ng estado noong Setyembre 1 sa bayan ng Lianga, Surigao Del Sur. Kaakibat nito, ang marubdob na pakikiramay sa kanilang mga naulia, pamilya, kamag-anak, kaibigan at mga kasamahan sa pagsisilbi sa masa sa kanayunan. Ang pasistang atake sa mamamayang Lumad, sa mga eskwelahan at komunidad, ang sapilitang pagpapalayas at sistematikong paglabag sa karapatang pantao ay patunay na ang estado, sa panunguna ng pangulong Aquino, gamit ang mga makinarya at rekurso nito, ay hindi nagsisilbi sa masa, at tagapagsulong lamang ng interes ng mga naghaharing uri tulad ng mga gustong kumamkam sa lupang katutubong Lumad para ito ay minahin, gawing plantasyon at pagkakitaan. Bilang mga misyunaryo at misyonarya sa kanayunan, kasama kami sa malawak na mamamayang kumokondena sa terorismo ng rehimeng Aquino. Ipinapanawagan namin ang hustisya para kina Samarca, Campos at Sinzo, at sa mamamayang Lumad at mga magsasakang biktima ng pagpapatupad ng Oplan Bayanihan ni pangulong Aquino. Hindi matatawaran ang sakripisyo ng mga martir at kinikilala namin ito bilang huwaran para sa malawak na masang nakikibaka para sa Lupa, Hustisya at Kalayaan. Bilang porma ng pagpaparangal sa mga martir, ang walang humpay na pakikisama at pagsuporta ng RMP sa masang magsasaka sa buong bansa. Muli, pagpupupugay at mananatili kayong inspirasyon sa aming pagsulong. Hustisya para kina Samarca, Campos at Sinzo! Hustisya sa lahat ng biktima ng paglabag sa karapatang pantao! Itigil ang pagpaslang sa mamamayang Lumad! Labanan at biguin ang Oplan Bayanihan ng rehimeng Aquino! “Break the bonds of injustice and oppression which give rise to glaring, and indeed scandalous, social inequalities” -Pope Francis Comments are closed.
|
AuthorThe RMP is a national organization, inter-congregational ang inter-diocesan in character, of women and men religious, priests and lay. We live and work with the peasants (farmers, fisherfolks, indigenous peoples and agricultural workers). Archives
July 2016
Categories |